Itinanggi ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na nakatanggap siya ng bayad kapalit ng pagbibigay niya ng suporta sa kandidatura ni presidential bet Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang pagdalo sa campaign rally ni Robredo sa Iloilo bilang host ay sinabi ni Ogie na walang hakutan na nangyari sa nasabing pagtitipon.
Sinabi rin nito na walang ibinayad sa kanya ang kampo ni Robredo para pumunta siya sa nasabing rally at pinakain lamang daw sila.
“Kaya nandito ho kami ngayon, wala ho kaming bayad. Pinakain lang kami, Binigyan lang kami ng ganito (baller) ng t-shirt at siyempre, yung kasiyahan at kaligayahan ng puso namin na mapaglingkuran, at mapakita kay VP Leni Robredo na kaisa niya kami sa lahat ng kanyang naisin,” ani Ogie.
“Nakakatuwa! Alam mo dito sa Iloilo City hindi bawal ang drone. ‘Di ba? May drone tayo diyan. Hindi bawal ang drone. Dahil kahit saan pumunta ang drone, Diyos ko po. Hindi mahulugang karayom ang mga tao. Ganito kainit ang pagtanggap ng Iloilo kay Presidente Leni Robredo. Nakakaloka!” dagdag niya pa.
Hindi naman napigilan ng ilang netizens na batikusin si Ogie at sinabi ng ilan na i-boycott nila ang vlog ng talent manager.
Ngunit ayon kay Ogie ay walang problema sa kanya kung i-unfollow siya ng mga netizens.
“I-boycott daw ang YouTube channel at FB ko, dahil #kakampink daw ako. Gow! Hahaha! Gusto ko, happy kayo!” ani Ogie.
Isa sa mga nagbigay ng reaksyon sa kanya ay ang geopolitics expert na si Sass Sasot.
“Ogie Diaz says na wala silang bayad ngayon to support Leni. BUT didn’t Leni vow to restore the franchise of ABS-CBN, where you work, once she becomes president?” ani Sasot.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS