November 16, 2024

Sa pagpatay sa mag-ama sa 2016 drug operation… 4 PULIS-CALOOCAN GUILTY SA HOMICIDE

HINATULAN bilang guilty ng Caloocan City Regional Trial Court ang apat na pulis kaugnay sa pagkamatay ng mag-ama sa nangyaring drug war operation noong 2016.

Batay sa hatol ni RTC Branch 121 Presiding Judge Ma. Rowena Viologo  Alejandra, guilty sa kasong homicide sina Police Master Sergeant Virgilio Cervantes; Police corporals Arnel de Guzman, Johnston Alacre, at Artemio Saguros.

Matatandaang nabaril at napatay ng mga pulis ang mag-amang sina Luis at Gabriel Bonifacio kasabay ng pagpapatupad ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“It must be worthy to note that the accused themselves did not deny their presence and participation in the police operation conducted, the same event where the victims Luis and Gabriel (Domingo) were killed,” pahayag ni Alejandria.

Pinagbabayad din ng korte ang mga pulis ng tig-P100,000 bilang danyos sa pamilya ng mga biktima.

Iginiit ng pamilya Bonifacio na hindi sangkot ang mag-ama sa iligal na droga at hindi rin nagpaputok ng baril.

Bagama’t self-defense ang alibi ng mga pulis, ibinasura pa rin ito ng korte.

Batay sa opisyal na datos, mahigit 6,000 indibiduwal ang napatay sa police anti-narcotics operations.