NAPAULAT na target ng mga dating senador na sina Manny Pacquiao at Vicente Sotto III ang Senate comeback sa 2025 bilang bahagi ng administration slate kasama ang asawa ni House Speaker Martin Romualdez at ilang kilalang politiko.
Ibinahagi ng beteranong political strategist na si Lito Banayo, ang posibleng bubuo sa senatorial slate ng administrasyon matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang kanyang partido, ang Partido Federal ng Pilipinas, ay balak makipag-alyansa sa ibang political parties para sa paparating na midterm elections.
Nabanggit ni Marcos ang Nationalist People’s Coalition (NPC) at National Unity Party (NUP) ay kabilang sa mga partido na magiging kaalyansa ng PFP. Habang ang Lakas-CMD, na ngayon ay isa sa pinakamalaking political party sa House of Representatives, ay pinangungunahan ni Romualdez, pinsan ng Pangulo.
Sa kanyang column sa The Manila Standard na inilabas ngayong araw, pinangalan ni Bayano ang mga sumusunod na kabilang sa mga napapabalitang senatorial contenders mula sa kaalyadong partido ng administrasyon:
Lakas-CMD: Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez, the Speaker’s wife; ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, Defense Secretary Gilbert Teodoro, Interior Secretary Benhur Abalos, Leyte Rep. Richard Gomez, at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez.
NPC: Sotto, Pacquiao at Sen. Lito Lapid Nacionalista Party: Las Piñas Rep. Camille Villar, retired colonel Ariel Querubin, isang Medal of Valor awardee; at incumbent senators Imee Marcos at Pia Cayetano.
Sinabi rin ni Banayo na hindi pa siya tiyak kung tatakbong senador si Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, presidente ng NUP, pero nagbigay pahiwatig na isang Bicolano stalwart na magiging kandidato para sa isang mahalagang posisyon sa Gabinete pagkatapos ng Mayo 2025.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA