BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, inatasan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang City Nutrition Office na mamahagi ng mga gamot, bitamina at mga masustansyang pagkain sa mga malnourished na buntis at mga batang apat taon pababa.
Ipinatupad ni Mayor Tiangco ang programa matapos iulat ng City Health Office na humigi’t kumulang 556 mga bata na apat taon pababa at mga kababaihang buntis sa lungsod ang malnourished o nutritionally at risk.
Upang mapababa ang malnutrition o maabot ang kanilang layunin na zero malnutrition, inatasan ni Mayor Tiangco si Acting City Health Officer Dr. Eric David na magpatupad ng supplementary feeding at mamahagi ng micronutrient supplements sa mga malnourished na mga bata at mga buntis.
“Malaking tulong ang regular na supply ng vitamins at masustansiyang pagkain tulad ng gulay upang masugpo natin ang malnutrition,” ani Mayor Tiangco.
Aniya, ito’y bahagi ng kanyang unang 1,000-days program para protektahan ang kalusugan ng bawat babaeng buntis at kanilang mga anak hanggang dalawang taon gulang.
“Pinamo-monitor na rin natin sa ating mga barangay officials ang mga malnoirshed o kulang sa tamang nutrisyon na mga residente sa kani-kanilang nasasakupan upang kaagad na maayudahan ng lokal na pamahalaan,” pahayag ng alkalde.
Sa part niya, inihayag ni Dr. David na isa sa kanilang mga aktibidad alinsunod sa pagdiriwang ng Nutrition Month ay paglulunsad ng “Happy Tummy, Happy si Baby” na naglalayong bigyang-halaga ang pagbubuntis ng ina.
“Kasi, kapag lahat ng kinakain niya, kapag healthy nakakaapekto sa baby, bukod dito yung clinical check-up importante rin para masigurong magiging normal at healthy ang kanyang pagbubuntis.” ani Dr. David.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA