December 23, 2024

“Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”

Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo mga giliw kong mga kababayan. Mga ginigiliw kong mga Ka-Sampaguita.

Nawa’y hindi magmaliw ang di nauubos na biyaya ng ating Panginoong Diyos.

Kapag buwan ng Marso, opisyal na magsisimula na ang dry season o nakasanayan na ng iba na tawaging ‘summer’. Natural na kapag sa ganitong panahon, mainit ang klima at ang ating temperatura.

Kaya nga, sa pagsisimula pa lang ng buwan ng Marso, opisyal na itong nirerendahan bilang ‘Fire Prevention Month’ sa bisa ng Presidential Proclamation No. 115-A, na nilagdaan noon ni Pangulong Marcos; dahil sa nasabing buwan kalimitang nangyayari ang sunog sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sa pamamagitan ng tagubilin ng kinauukulan, lalo na ng DILG at Bureau of Fire Prevention ( BFP) , nabibigyang babala ang ating mga kababayan na mag-ingat sa sunog o maiwasan ito.

Kaya, hindi lang tayop dapat tumutok sa COVID-19. Kailangang alerto sa bawat sandali. Ika nga, multi tasking ang pagiging vigilante natin ngayon.

Nariyan din ang mga abiso o mga pagsaanay upang maiwasan ang sunog o dili kaya’y kung ano ang gagawin kapag mayroon nito. Ngayong taon, ang tema ng Fire Prevention Month ay “Sa Pag-iwas sa Sunog, HIndi Ka Nag-iisa.”

Malaking perwisyo  mga kabayan ang sunog. Kaya, dapaty ibayong ingat. Tagubilinan ang mga anak at iba pa na walang kabatiran s akung ano ang magagawa o magiging bunga ng pagwawalang bahala.

Viva La Raza!