September 7, 2024

Sa mismong araw ng kasal… LINDSAY CUSTODIO, BINUDOL NG SARILING ASAWA

GRABE pala ang dinanas nitong si Lindsay Custodio, sa mismong araw ng kasal ay binudol ito ng kanyang asawang si Frederick Cale.

Traumatic experience talaga ang naranasan niya sa araw mismo ng kanyang kasal sa isang lalake na Canada-based non-showbiz husband na si Frederick Cale.

“Talagang pumunta kami ng bangko pagkatapos ng kasal, ang mga tseke sa bangko na-clear na pati mga cash gifts, pinambayad niya sa kanyang credit card.

“Nabigla ako nang tawagin ako ng teller at binigay sa akin ang aking account. Gayung hindi naman ako nag-inquire, nagulat ako kasi bigla niyang pina-open [Frederick ], nagtanong siya kung may personal account under my name.

“Natakot ako dahil nakasuot pa ako ng pangkasal at baka makunan pa kami ng video, kaya hindi ko siya tinanong.

“Sa reception, pagkatapos ng lahat, iyong cash gifts na binigay sa amin iyon bale ang pinambayad niya sa mga additional expenses. Sising-sisi ako kasi bakit ganito ang napang-asawa ko,” malungkot na karanasan ni Lindsay Custodio.