Mistulang pinangaralan ni Atty Ferdinand Topacio si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa nagiging magulong takbo ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabuli ni Topacio, abogado ni Neg Oriental Third District Representantive Arnolfo Teves Jr, na hindi dapat nagsasalita si Remulla na nagdidiin agad sa sinuman habang iniimbestigahan pa ng DOJ ang usapin
Iginiit ni Topacio na nalalagay sa alanganin ang mga prosecutor na nag-iimbestiga kung may sapat na ebidensiya sa paghahain ng kaso dahil sa maagang pagtuturo ng Kalihim sa mga may kagagawan ng krimen.
Ngayong nagbabaliktaran na ang mga suspek na ginagamit bilang saksi laban kay Teves ay isinisisi na ito ng DOJ sa kampo ng Kongresista na hindi nakabubuti sa imahe ng kagawaran
Makailang ulit na aniyang sinabi ni Remulla na bahagi ng trabaho ng DOJ ang magsulong ng mga kaso at marami na silang ebidensiyang nakakalap sa pagpatay kay Gov Degamo at 9 na iba.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW