December 24, 2024

Sa Laguna…
BINATILYO TODAS
SA HAZING

Nanlulumong ini -report sa pulisya ng lola ng isang binatilyo sa Pakil, Laguna.

Ito’y matapos umanong ideklarang patay ng Gen. Cailles Hospital sa naturang bayan ang apo nito.

Ayon sa lola ng biktima na nakilalang si Elizabeth Rabutazo, puno ng pasa sa katawan ang kaniyang apo na si Reymart Madrazo nang umuwi ito sa kanilang bahay.

Batay sa paunang imbestigasyon, sumailalim ang biktimang si Madrazo sa initiation rites o hazing ng isang fraternity sa bulubunduking bahagi ng Twin Falls sa Brgy. San Juan sa bayan ng Kalayaan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Laguna PNP hinggil sa kung sinu-sino ang nasa likod ng naturang hazing at kung may iba pang kasama ang biktima nang gawin ito.