TINIYAK ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Eric Ines sa publiko na pinagplanuhang mabuti ang maintenance activities sa pag-upgrade sa electric systems sa NAIA Terminal 3 para matiyak na tuloy-tuloy ang operasyon partikular sa peak hours.
“The electrical upgrade activities from April 2 to May 28, 2024, shall not in any way impede the processing of passengers and baggage and shall have no disruptive effect on flight operations,” ani MIAA General Manager Eric Ines.
“There will be light and air conditioning in major parts of the Terminal building during the day,” dagdag pa ng opisyal.
Ayon pa kay Ines, ang mga aktibidad sa pag-upgrade ng kuryente ay itinapat pagkatapos ng huling paglipad at malayo sa peak hours ng operasyon ng terminal.
“Based on the schedule, replacement activities will only take from a short 15 minutes up to a maximum of three (3) hours, but will not extend into the departure or arrival times of the first flight of the day,” ani Ines.
“The window hours for maintenance work will be from 12:01 am to 3 am,” dagdag pa nito.
Nabatid na ang timog na bahagi ng Terminal 3 ay maaapektuhan ng nasabing maintenance activity, na nagreresulta sa kapansin-pansing pagbawas sa ilaw at air conditioning sa mga pasilyo at lobby mula sa una hanggang ika-4 na antas ng terminal, mga hagdanan at ilang mga opisina na matatagpuan sa ika-2 at ika-3 lebel.
Dagdag pa ng MIAA, apektado rin ang paradahan sa ibabaw ng Terminal 3 at multi-level na paradahan, kung saan ang ilang mga elevator at escalator na matatagpuan sa timog ng terminal ay hindi gumagana sa mga oras ng nasabing pagmementina.
Ang mga aktibidad sa pagmementina ay tatagal ng mahigit isang buwan, at ipagpapatuloy ang pag-upgrade ng mga electrical system sa Terminal 3 na nagsimula noong 2023.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL