Hindi bababa sa 12 katao, kabilang ang isang Department of Public Works and Highways (DWPH) team, ang natabunan ng lupa sa lalawigan ng Ifugao kahapon kasabay ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ayon sa Office of Civikl Defense sa Cordillera Administrative Region, natagpuan ang limang katawan ng DPWH personnel, at nailigtas ang isang survivor.
Nabatid na pitong DPWH workers, na nasa gitna ng clearing operation, at anim iba pa ang pansamantalang tumuloy sa isang bunk house habang hinihintay na tumigil ang ulan nang mangyari ang insidente noong Nobyembre 12, dakong alas-5:00 ng hapon, ayon kay Office of Civil Defense-CAR Regional Director Albert Mogol.
“Alam naman natin na trabaho ng DPWH personnel is to conduct road clearing oepration para madaanan po ang national highway. It’s just unfortunate na habang nagte-take shelter sila ay biglang nagkaroon ng massive landslide,” saad niya.
Patuloy na pinaghahanap ng mga opisyal ang anim iba pang nawawala.
Nakipag-ugnayan na rin ang mga opisyal ng pamahalan sa pamilya na apektado, at tiniyak ang tulong at suporta sa kanila.
Ang mga biktima ng landslide sa Ifuagao ay kasama sa dose-dosenang namatay matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Luzon.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE