January 23, 2025

SA HINABA-HABA NG PROSISYON SA KORUPSIYON DIN ANG TULOY

Sa aking palagay alam ko na ang dahilan kung bakit ang mga kandidato sa pagka-Panguluhan ay namimili ng kanilang paunlakang  one on one media interview o ano mang media forum. Marahil dahil wala silang balak magsinungaling at baka mahalata o ‘di kaya naman ay nagsisinungaling na pero hindi pa halata.

Sa mga media forums at interviews ng iba’t ibang media outfit ay nasaksihan natin kung paano ang kandidato na matagal na nanungkulan sa gobyerno ay bihasa sa pagsisinungaling. Ang bawat tanong kahit paano pa man paikut-ikutin ay nauuwi din sa napakahabang listahan ng pangako.

Isang kandidato sa pagkapangulo na di -umano’y sinuhulan ng maraming beses subalit kanyang tinanggihan. Nagbalik ng pera at kinausap pa ito. Subalit hindi inasunto.

Ito rin ang kandidatong inilalako ng kaniyang partido para sa isang benefit dinner na ang bawat lamesa ay nagkakahalaga ng P1 milyong piso lang naman. Lumalabas na bawat isang plato ay nagkakahalaga ng P100 libong piso.

Sakaling patulan ito ng mga gusto pumusta sa kandidatong ito ano naman kaya ang kapalit nito? Sigurado, mga Cabalen, na sakaling palarin ang kandidatong ito umaasa ng kapalit ang mga dumalo sa “benefit dinner” na ito.

Gaya ng laging inaasahan, dito po nagsisimula ang corruption. Papaboran ng nanalong pangulo ang mga nag invest sa kanyang pagtakbo “ pay back time” na ika nga.

Alam nyo ba, mga Cabalen na ang imbitasyon ng benefit sinner na ito ay ipinalabas  subalit walang nakalagay kung saan ito gagawin at kung kailan?

Nakasaad sa imbitasyon kung magkano ang presyo ng bawat lamesa pati na kung saan maaaring ideposito ang bayad sa pagdalo.

SP ano masasabi mo dito? Dadalo ka ba?

At alam ba ninyo mga Cabalen, naibulong sa atin na sa isang Chinese restaurant na malapit sa Senado gagawin ang benefit dinner sa Lunes.