PINURI ni Senator Richard J. Gordon ang mga miyembro ng Rotary Club of the Philippines para sa napakahalagang tungkulin at kontribusyon nito sa pagbibigay ng humanatiarian at coumminity services sa mamamayang Filipino, lalo na sa panahon ng pandemya.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga miyembro ng Rotary District 3810 sa katatapos na Community Service Webinar Project, hinimok ni Gordon ang Rotarians na isulong ang paghahain ng tulong sa pamilyang Filipino sa panahong COVID-19 pandemic.
“What a great thing to be able to serve our fellowmen, especially during this pandemic. Let us start the revolution from within ourselves,” sambit niya.
“Dapat tumutulong tayo sa ating bayan. Hindi lang sasalita pati na rin sa gawa. We want to see a Rotary Club that is vibrant, always there for others,” dagdag niya.
Simula nang mag-umpisa ang pandemya, nahirapan ang Pilipinas na pigilan ang higit pang pagkalat ng bagong coronavirus kung saan mahigit sa 2.7 milyong Filipino ang nahawa, 43,172 sa kanila ay namatay.
Milyong manggagawang Pinoy naman ang nawalan ng trabaho dahil sa mga ipinatupad na lockdown at pagsara ng maraming establisyimento rito sa atin at maging sa ibang bansa.
Ipinunto ni Gordon na ang Philippine Red Cross (PRC), pinakamalaking humatarian organization sa bansa, ay tumugon sa mga hamon ng COVID-19 pandemic sa pamamagitan “predict, plan, prepare, and practice” program nito.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, inalalayan ng PRC ang government response sa pamamagitan ng pagtatayo ng pinakamalaking testing facility sa bansa, na nakapagsagawa ng halos 4.8 million swab at saliva test simula April 2020.
Naglagay din ang PRC ng 70 field hospitals sa buong bansa at nagbigay ng bakuna sa mahigit 400,000 indibidwal sa pamamagitan ng “Bakuna Bus” initiative nito. Pinagkalooban din nito ng pinansiyal na tulong ang mga natanggal na manggagawa at nabigay ng hot meals.
Ayon kay Gordon, magkakasamang nagtatrabaho ang Rotary Clubscan para maabot a ng mahihirap na sektor hindi lamang sa pamamagitan ng blood donation program kundi maging sa iba pa nitong serbisyo, programa at proyekto.
“In helping others, you are helping yourselves kasi ‘di tayo mauubusan. ‘Yan ay magagawa natin kung tayo ay magsasama, kung tayo ay may partnership, we already have a partnership, pairalin na lang natin,” wika ni Gordon.
Ang Rotary Club of the Philippines ay isang local chapter ng Rotary International sa Filipino community na kilala bilang unang Rotary Club sa Asia. Sa ngayon, may mahigit-kumulang 800 Rotary Clubs sa sa bansa.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE