November 24, 2024

SA GITNA NG MGA ISYU, YULO POKUS LANG SA KANYANG MISYON SA PARIS OLYMPICS

Sa gitna ng mga distraksyong personal at karera, pokus lang ang star ng Philippine gynastics na si Carlos Yulo sa kanyang ginintuang misyon para sa Paris Olympics na sasambulat dalawang buwan mula ngayon.

Ang 24-anyos nang world gymnastics champion ay nadi-distract ng mga usaping pampamilya, lovelife at kanyang carreer management na ang pinakahuli ay ang paghihiwalay niya ng landas sa KG Management, Inc.na ipinorma ng kanyang dating Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.

Ito ay pormal na inanunsiyo ng Gymnastics Association of the Philippines sa statement na pirmado ni GAP president Cynthia Carrion.

“In Japan, coach Mune was hands on, pero nang bumalik kami sa Pilipinas, a Filipino manager took over, doon nagsimula ang mga isyu ng pamamahala,” ani Yulo na nagsabi pang ayaw na niya nang mga ganoong usaping nakakaapekto sa kanyang training.

Si Yulo ang kauna-unahang Southeast Asian gymnast na nagwagi ng  world championship, multi-gold medalist sa Southeast Asian Games at ginto sa Asian Artistic Gymnastics.

Kahit na tinapos na ni Yulo ang kanyang relasyon sa KG Management , Inc., pinagyayaman pa rin niya ang kanilang pinagsamahan ng coach Kugimiya na nagresulta ng 2 kampeonato sa floor exercise at vault, gold sa World Cup series, Asian at SEAGames victories.

“Hindi sapat ang salamat lang. Isa siya (coach Mune) sa bumuo ng pagkatao ko at pagtupad ng mga pangarap ko,” ani pa Yulo.

Gayunpaman, ang Sambayanang Pilipino ay dalangin na ang tagumpay ni Yulo sa kanyang  Olympic bid ay matutupad na sa Paris Olympics 2024. (DANNY SIMON)