TINUTULAN ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) ang panukalang amyendahan ang 1987 Constitution at hinimok ang kasalukuyang administrasyon na mas tutukan ang pangangailangan ng mamamayan at pagsugpo sa korapsyon.
Isinagawa ng NCCP ang pahayag kasabay ng paggunita sa 38th anniversary ng Edsa people Power Revolution kahapon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., anak ng yumaong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon sa grupo, dapat gumawa ng mas maraming inisyatiba ang kasalukuyang gobyerno na tunay na mapapakinabangan ng mga Filipino.
“In the spirit of Edsa, our call remains the same and that is for our leaders of the land to be pro-people, urging the government to prioritize people’s needs amidst a time of escalating poverty; to eradicate corruption; boost local agricultural production through genuine agrarian reform, deliver basic social services, and push for the resumption of formal peace talks with the National Democratic Front of the Philippines, among others.”
“Honoring the essence of Edsa entails a steadfast commitment to safeguarding our sovereignty. As we commemorate the 38th Anniversary of the Edsa, we are confronted anew with a pressing challenge: the elaborate schemes to alter the 1987 Philippine Constitution,” nakasaad din sa statement nito.
“A claim that every administration pushes for iniquitous reasons posturing to lift the people’s economic situation. We thus invite our people to use this occasion to reflect deeply on the situation of the Filipinos under the government of President Ferdinand Marcos, Jr,” dagdag pa nito. Binigyang-diin ng NCCP na ang pag-aalsa sa Edsa ay nagturo sa mga Pilipino na protektahan ang mga batayang batas at itaguyod ang dignidad at pagpapahalaga sa kanilang ipinaglaban. Ang Konstitusyon ay pinagtibay pagkatapos ng Edsa.
“As people of faith, we honor the commemoration of Edsa People Power by being present in the parliament of the streets, fundamentally exercising our collective power not only in protecting our sovereignty from tyrannical regimes but also in any attempts to jeopardize our 1987 Constitution, undermining people’s decision making, democracy, and liberty,” saad nito.
“Our hard-fought victories over the years serve as a safeguard against further attempts to degrade, disrespect, or assault our freedom, echoing the painful lessons of past dictatorships that persist even in our current context,” dagdag pa nito.
Hindi na holiday ngayong taon ang Edsa People Power Anniversary, dahil hindi ito kasama sa listahan ng 2024 holidays sa Proclamation No. 368 ni Pangulong Bongbong Marcos na nilagdaan noong Oktubre 11, 2023.
Gayunpaman, bago ang pag-isyu ng Proclamation No. 368, ang Pebrero 25 ng bawat taon ay ginugunita bilang isang “espesyal na non-working holiday.”
Nang maglaon, ipinaliwanag ng Office of the President na inalis nila ang event sa listahan ng holidays para sa taong ito dahil ito ay natapat sa araw ng Linggo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA