January 19, 2025

Sa ‘Ama Namin’ video… CHURCH LEADERS NAGSAMPA NG KASO VS DRAG QUEEN

GUMAWA ng legal na aksyon ang Philippine for Jesus Movement (PJM) na binubuo ng mga namumuno sa simbahang Kristyano dahil sa umano’y pambabastos nito sa kanilang relihiyon.

Matatandaan na nag-viral sa online ang video ng kanyang drag performance gamit ang Christian song na “Ama Namin.”

Kabilang sa nagsampa ng kaso sa drag queen ay sina PJM President Bishop Leo Alconga, Pastor Romie Suela at Pastor Mars Rodriguez.

Ilan sa mga isinampang kaso kay Pura Luka Vega o kilala rin bilang Amadeus Fernando Pagente ay ang paglabag sa Article 201 of the Revised Penal Code na kaugnay ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Isinampa ang kaso sa Quezon City Prosecutors office ngayong araw.