PINAGTIBAY ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease ang Safe, Swift, and Smart Passage (S-Pass) Travel Management System na dinibelop (developed) ng Department of Science and Technology (DOST) Region VI at ngayon ay magiging institutionalized bilang one-stop-shop application/communication para sa mga biyahero.
Ito’y matapos aprubahan ng IATF noong Pebrero 26 ang uniform travel protocols para sa lahat ng local government units (LGUs).
Sa kabilang banda, ang StaySafe.ph System ay gagamitin bilang pangunahing contact tracing system ng pamahalaan.
Bukod pa rito, ang iba pang contact tracing application, tulad ng Traze App, ay dapat mapabilang sa StaySafe.ph System.
Binuo ng Department of the Interior and Local Government ang uniform travel protocols para sa land, air at sea travels, sa pakikipagtulungan ng Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines.
Ang S-PaSS, na nilikha ng DOST VI ay magsisilbing travel management system, na pangunahing inilaan para hindi maantala ang biyahe ng Locally Stranded Individuals (LSIs), Returning Overseas Filipino (ROFs), Emergency Travelers (ETs), at iba pang mga biyahero sa panahon ng pandemic na ito.
“The S-PaSS is also meant to benefit not only the travelers but also the authorities to properly monitor the movement of people in different locations in the effort to prevent the spread of the COVID-19 virus,” ayon sa DOST VI.
“This is a convenient and safe way for travelers to apply for Travel Authority (TA) online, without the hassle of long queues, before visiting their local police station where the QR Code can be used to view one’s TA, to register at designated monitoring locations, and track one’s travel history,” dagdag pa nito.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna