Nakagawa ng record si Ryan Ong Alonzo dahilan upang mairekta siya sa word record. Ito ay sa most number of double under skips sa loob ng 12 oras. Naitala niya ito noong Jum to Greater Heights event sa Ayala Malls Circuit sa Makati.
Nakilala sa bansag na ‘Skipman’, nilampasan ni Ong ang 20,000 Guiness mark of double skips. Nakapagtala kasi siya ng 40,980 skips sa event mula umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Tumalon siya sa rope na may 720-degree revolution sa isang single jump. Kung saan, anim na oras ang itinagal bago nabasag ang record. Nakumpleto nito ng 21,327 double skips nang tanghali na. Nadoble pa niya ito sa nalalabing mga oras. Haos mangatog naman ang tuhod at paa niya matapos ang event.
“I’m out of words, it is super overwhelming. Halfway through my legs were cramping. I didn’t expect talaga na maaabot ko pa and when you guys started cheering parang becoming happy lang, suddenly mataas na pala number ko in that hour,”ani Alonzo.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo