
Iprinisenta ni Sec Jonvic Remulla ng DILG sa isang press conference ang Russian-American vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy, ngayong umaga, Abril 7, sa Quezon City.
Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng vlogger matapos mangharass at mambastos ng mga Pilipino. Pina-border hold din siya ng isang negosyante sa Boracay, makaraang bastusin ang kanyang mga tauhan.
Sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla, sinigurado nilang mananagot si Vitaly sa batas ng Pilipinas at aapurahin ang mga kaso nito bago ito ipadeport pabalik sa kanilang bansa.
Nasa kustodiya ngayon ng Bureau of Immigration ang dayuhang vlogger at tiniyak nilang wala itong special treatment. (E. BRINGAS/B. GAMBA)
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC