Nakararanas ngayon ng Russian-Belarusian NHL players ng discrimination at harassment. Ito ay kaugnay sa naganap na Russian Invasion sa Ukraine.
Ayon sa agent, ilan sa kanila ang nakatanggap ng death threaths. gayundin ang pag-aglahi o racism. Kaya na nanawagan siya sa mga tao na huwag gawin ito sa mga players.
Tinatawag silang mga Nazis at hiniling ng mga tao na mamatay na sana sila.
“Stop looking at them as aggressors,” ani ng Ukranian-born agent na si Dan Milstein.
Siya ang kinatawan ng mga atleta sa National Hockey League. Inaalala niya ang safety ng kanyang mga clients. Kung saan ay nakararanas ngayon ng harassment. Bakit aniya sila idadamay sa hate gayung wala silang kinalaman doon.
“The discrimination and racism these Russian and Belarusian players; are facing right now is remarkable,” ani Milstein
“We’re being set back 30 years. I have players calling me, parents calling me. They’re concerned whether they’ll be able to play, whether they’ll be safe.”
Si Milstein ay isinilang sa Kyiv at napasa U.S sa edad na 16. Napunta siya roon bilang political refugee. Ngayon ay isa nang U.S citizen. Ayon sa ESPN, kinatawan nito ang 75% ng Russian at Belarusian players sa NHL.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!