‘Russian Invasion’ sa Ukraine’! Dyan ngayon nakatuon ang pansin ngayon ng buong mundo. Nagsimula na ang mas matinding tensyon. At ang mas masaklap, maaaring mauwi sa giyera.
Pinagangambahan ang maaaring pagsiklap ng World War III. Ika nga ng iba, nauulit lang ang pattern noong World War I at World War II.
Nagsimula ang tensyon nang himukin ng U.S at North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Ukraine. Na maging kasapi ng nasabing organisasyon. At dahil sa ang nasabing bansa ay kasapi noon sa U.S.S.R, nadyan pa rin ang interes ng Russia.
Bagama’t isa nang independent nation ang Ukraine, may International Law of the Land ito. Na saklaw sa pagitan nila ng Russia. May pakialam aniya si Vladimir Putin dahil motherland nila ang Ukraine. Na pinagmulan ng lahing Kremlin-Rus o lahing Ruso.
Kaysa sa mapunta lamang ang pagkiling ng Ukraine sa western countries, nais ng Russia na mabawi ito. Umalma ang huli dahil sa pagsusog ni US President Joe Biden. Isa pa, binubully ang huli sa pagkasa ng sanction, lalo na sa aspektong pang-ekonomiya.
Nainis si Putin at kinubkob na ang ilang parte ng Ukraine. Nagdaramdam naman ngayon ang presidente ng Ukraine dahil iniwan sila sa ere ng U.S at NATO.
Ano ang epekto nito dito sa atin sa Pilipinas? sasakyan ng ilang negosyante ang trend. Magmamahal ang langis, kahit na matagal nang nakaimbak ang iba o nabili na bago ang tensyon. Tataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Gayunman, dapat nasa neutral lang ang Pilipinas pagdating sa ganyang sitwasyon. Huwag na tayong makisusog o makisali. Intindihin na lang natin ang ating mga kababayan na naiipit sa girian. Isa pa, dapat itong paghandaan dahil maaaring mauwi ang sitwasyon sa pagkampi-kampihan ng mga bansa.
More Stories
ANG KANLURANG DAGAT NG PILIPINAS
Ang Disyembre ay Buwan ni Rizal
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo