
Tuluyan nang sinipa ang Russia sa 2022 World Cup at sinibak din ang team nito sa buong international football competitions. Kinondina ng FIFA ang ginawang invasion ng bansa sa Ukraine.
Kung kaya, no show ang Russia men’s team sa qualifying playoffs ngayong buwan sa Qatar.
Habang ang women’s naman ay nag-qualified sa European Championship sa England. Na ang torneo ay nakatakdang idaos sa July.
Nakaapekto rin ang desisyon sa Russian clubs na involved sa European competition.
“FIFA and UEFA have today decided together that all Russian teams, whether national representative teams or club teams, shall be suspended from participation in both FIFA and UEFA competitions until further notice,” ani ng football’s global and European governing bodies.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT