
Hindi na magiging host ang Russia sa ikakasang UEFA Champions League finals na idaraos sana sa St. Petersburg. ito’y matapos mag launched ang bansa ng pag-atake sa Ukraine.
Sa isinagawang meeting ng UEFA ng executive committee, nagpagpasyahan na baklasin ang event sa May 28. Ito ay dahil sa tensyon sa pagitan ng dalawang nasyon.
“UEFA shares the international community’s significant concern for the security situation developing in Europe and strongly condemns the ongoing Russian military invasion in Ukraine,” pahayag ng opisyal ng UEFA.
Sinabi naman ng European Union (EU) na talakaying mabuti ang pag-urong ng final ng CL. Maaaring maghanap sila ng ibang venue sa mga susunod na pagpupulong.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort