September 20, 2024

RUBY RODRIGUEZ, PINAGAGAMOT ANG BUNSONG ANAK SA STATES

Kaya pala nagtungo sa states si Ruby Rodriguez dahil sa kanyang bunsong anak na si AJ. Maysakit kasi ito ay nais ng aktres-comedian na maipagamot ito. Ito rin ang rason kung bakit di na siya napapanood sa ‘Eat Bulaga’.


Nagdurusa kasi si Aj sa isang medical condition na ‘Henoch-Schonlein Purpura’. Kung saan, atrasado o delay ang development ng utak nito.


Ang may ganitong kaso o condition ay parang lang-lang o bata kung magsalita. Gayundin ang pag-iisip. Kaya ganun si AJ kahit-20 anyos na ito.


“He has intellectual disability, it means his brain is delayed at his biological age,” ani Ruby sa isang episode ng ‘Tunay Na Buhay’.


Umaasa rin ang TV host na bubuti ang lagay ng anak at tuluyan na itong maging normal. Kasi, pwede namang maka-recover o gumaling ang may gayung medical condition.