February 23, 2025

RUBIO: MAY ULONG GUGULONG SA BOC (Mga nasabat na smuggled na sigarilyo, nadiskubreng ibenebenta muli)

TINIYAK ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio na may mga ulong gugulong kung mapatutunayan na sangkot ang ilang tauhan ng ahensiya sa muling pagbebenta ng P270 milyon halaga ng nakumpiskang kontrabandong sigarilyo mula sa Capas, Tarlac.

Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang tauhan ng BOC sa pagtuklas ng sinasabing muling pagbebenta ng mga smuggled na sigarilyo na naunang nakumpiska ng ahensya.

“I already instructed the Intelligence Group’s Customs Intelligence and Investigation Service to look into this matter and report to me immediately. The NBI has our full cooperation and I promise that anyone found involved in this will be held accountable. Heads will roll,” saad ni Commissioner Rubio.

“We are one with the NBI and thank them in the fight against cigarette smuggling. We have made significant progress in this regard, seizing P5.1 billion worth of e-cigarettes/vapes and P4.1 billion worth of tobacco and cigarettes, for a total of almost P9.3 billion last year,” dagdag niya.

Ayon kay Acting District Collector Marlon Fritz Broto ng Port of Subic, agad na nag-utos ang Office of the District Collector (ODC) sa Acting Chief ng Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) na bumuo ng isang team at makipag-ugnayan sa NBI at sa lokal na pamahalaan upang “magbigay ng kalinawan”  tungkol sa mga nakumpiskang sigarilyo.

Dumating ang mga shipment na ito sa Port of Subic sa apat na magkakahiwalay na pagkakataon sa pagitan ng Hulyo 2021 at Hunyo 2022. Ito ay inabandona at agad na kinumpiska at inirekomenda para sa wasakin noong 2023.

“Once the bond was settled, the process began and the condemnation started last January 6 and again on February 9 when the last three containers were transported to the said facility,” saad niya.

Nabangit ng acting district collector at lawyer na lumalabas sa resulta ng kanilang imbestigasyon na nagana pang buy-bust operations ng NBI sa panahon ng pagbabago ng shift ng ACDU, EES, at CIIS Port of Subic Customs personnel na nagbabantay sa condemnation process.

Binanggit din niya na ang condemnation ng mga container ay “nangyari sa loob ng regulatory period.”

Sa apat na container, na lahat ay natuklasang smuggled, tatlo ay orihinal na naka-consign sa Hongcim International Corp. at isa ay naka-consign sa Proline Logistics Philippines Inc.

“Our coordination with the NBI has always been one of the reasons our operations have been successful. If the investigation targets someone from our team, that’s all the more reason we should work together with the NBI to get to the bottom of this and hold people accountable,” saad ni Commissioner Rubio.

We are an open book. Anything the NBI needs from us, we’ll be committed and eager to provide access to them,” dagdag niya.