MAGIGING katuwang ng Regional Research, Development, and Innovation Committee – I (RRDIC-I), isang komite ng Regional Development Council (RDC), at RTI International sa pagsasagawa ng U.S.-Philippines Partnership for Skills, Innovation, and Lifelong Learning (UPSKILL) Program matapos lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU).
Ang naturang event, na ginanap sa BakersPH sa Laoag City, ay tanda ng makabuluhang hakbang sa pagsusulong ng higher education at workforce development hindi lamang sa Ilocos Region, kundi sa buong Pilipinas.
Sa tulong ng pondo na magmumula sa United States Agency for International Development (USAID), makatutuwang ng UPSKILL ang Department of Science and Technology (DOST) upang maging tulay sa technology innovation at commercialization, at kasama sa pagsisikap na ito ay ang national development priorities.
Pangungunahan ng Department of Science and Technology Region 1 (DOST-1), nakatuon ang RRDIC-I na tiyakin na ang regional innovation projects ay makatutulong sa socioeconomic growth, kung saan ang Ilocos Region ay magsisilbing modelo para sa pag-adopt ng mga makabagong teknolohiya.
Ayon kay USAID Philippine Deputy Mission Director Rebekah Eubaks, na ang MOU ay isang hakbang patungo sa tamang direksyon.
“Regional development is key to making an impact because it brings solutions rapidly to the communities that need them. Combining national policy with hands-on work in the field ensures that innovation takes place where it matters most.”
Muling pinagtibay ni Eubanks ang commitment ng gobyerno ng US na palalakasin ang higher education sa Pilipinas.
Binigyang-diin naman ni Dr. Richard Abendan, Chief of Party para sa UPSKILL Program, ang mahalagang papel ng RRDIC-I sa pagsuporta sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa buong Ilocos Norte bilang template para sa national expansion.
“The RRDIC, led by DOST-I, has already provided valuable support to MSMEs, like BakersPH, demonstrating the success of USAID’s locally led development model,” saad ni Abendan. Binigyang-diin niya na ang partnership ay magbubukas ng karagdagang kolaborasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at higher education institutions (HEIs), para bumuo ng research productivity at skilled graduates para sa economic development.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Dr. Teresita Tabaog, Regional Director ng DOST-I at Chairperson ng RRDIC-I, kung saan inilarawan nito ang naturang event bilang: “H-E-L-P—a help coming from a big brother.” Nanawagan din si Tabaog para sa future initiatives na tututok sa paglinang ng mga kasanayan habang sinusuportahan ang kapakanan ng mga manggagawa para sa inclusive at sustainable progress.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM