Inihayag ni NCRPO Acting Regional District Director PBGen Jonnel Estomo na naging matagumpay ang naging resulta ng isinagawang 3rd Quarter Regional Peace and Order Council o RPOC na ginanap sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Ayon kay Estomo dinaluhan ng ibat ibang ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan ng DILG NCR,JTF-NCR, AFP; Metro Manila Mayors, DDB, DOTr, DOJ-NPS, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, BFP, NAPOLCOM, BJMP, PCG-CGD- NCR-CL, LTFRB, LTO, NBI DOH, DSWD, CHED, TESDA, DENR, DPWH, at DTI.
Layon ng naturang meeting ay upang tugunan ang security concerns ng mga rehiyon, problema sa illegal drugs, at may kaugnayan sa kapayapaan at kaayusan sa rehiyon gayundin ang programa ng NCRPO na naipatutupad at ng makikinabang naman ay ang mga residente ng Metro Manila.
Paliwanag pa ng heneral na ang RPOC ay malaking papel na ginagampanan sa paglikha ng peace and order plans and programs sa NCR at pagpapalakas sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Komunidad stakeholders, LGUs, NGOs at iba pang government agencies sa Metro Manila.
Ibinida rin ni PBGen.Estomo ang pagbaba ng crime rate sa National Capital Region para sa 3rd quarter ng 2022.
Napag-usapan din sa meeting, na sinusuportahan ng RPOC-NCR ang resolutions na iprenisenta kung sana ay hinihikayat ang NCR LGUs na iadopt at institutionalize ang pagpapatupad ng KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan adbokasiya, programa, actibidades at proyekto kung saan ang naturang proyekto ay community-based program na nakadesenyo upang ipalaganap ang kapayapaan at kaayusan at seguridad ng publiko sa kanilang Komunidad sa NCR.
Inaprubahan din ng Konseho ang pagpasa ng isang resolutions na nagrerekumenda na si PBGen Estomo ay acting bilang interim chairperson sa 3rd Quarter Council Meeting at ang NCRPO ang magiging naman host nito.
Ilan din sa mga tinalakay sa pagpupulong ay direktang tutugunan ng District Directors ng 5 Police Districts at Regional Staff ng NCRPO ay may kinalaman sa Barangay Drug Clearing, anti-illegal drug strategies, police visibility at pagtatalaga sa mga Chiefs of Police.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!