Magtutuos ang Roxas Vanguards at Davao Occidental Tigers- Cocolife sa opening ng 2022 Cocolife Pilipinas Super League. Simula na ng busluhan para sa inaasam na ‘Pearl of the Orient Cup’.
Bubusina ang laro sa ganap na alas 6:00 ng gabi sa Dipolog Sports Complex.
Ang maganda rito, l;ibre itong mapapanood ng live audience. Basta, dalhin at ipakita lamang ang vaccination card.
Kaugnay sa liga, magiging bahagi rin si former PBA head coach Leo Isaac. Magsisilbi namang komisyuner si dating PBA at Gilas cager Marc Pingris.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!