KUMBINSIDO si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay American Marine Joseph Scott Pemberton ay kapalit ng COVID-19 vaccine na madidiskubre ng United States.
Ayon kay Roque, wala siyang katiyakan sa desisyon ng Pangulo kung nangangahulugan ba ito na ang Pilipinas ay makatatanggap ng dosis ng bakuna ng coronavirus.
Dagdag pa niya na maaring nangyari ito dahil sa gumagandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US.
Ang human rights lawyer na ngayon ay presidential spokesman ay nakipaglaban noon upang makamit ang hustisya ng pamilya ng Filipino transgender woman na si Jennifer Laude na namatay sa kamay ni Pemberton noong Oktubre 11, 2014.
Pero agad nilinaw ng kalihim na personal na opinyon niya ito at hindi posisyon ni Pangulong Duterte.
“Sa tingin ko itong desisyon ng Presidente — ito ay personal na opinyon ko — ang pagbibibay ng pardon kay Pemberton ay kabahagi ng pagnanais ng President na kapag mayroon nang vaccine na na-develop — kung sa Amerika man — ay makikinabang din ang Pilipinas,” saad niya.
Naniniwala si Roque na ang desisyon ni Duterte ay ibinase sa national interest, lalo na’t iilan lamang ang umiibento ng bakuna para sa COVID-19.
Posible rin aniya na ang naturang desisyon para pakawalan ang American convict ay isinagawa matapos makausap ng pangulo si US President Donald Trump at si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim.
Sinabi rin ni Roque na nakamit na ni Laude ang hustisya dahil si Pemberton ay halos anim na taon ang binuno sa loob ng kulungan at nagbayad din ito ng P4.3 milyon para sa civil liabilities sa pamilya Laude.
“Sa tingin ko nakamit natin ang katarungan bagama’t mas maraming nagsasabi na dapat mas matagal ang kulong sa kaniya. Ang katotohanan naman ay mayroong mas importanteng national interest na itinataguyod ang ating Presidente. I am personally fine with that,” saad ng dating abogado ng pamilya.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE