
Kinasuhan si dating presidential spokesperson Harry Roque at isang vlogger na si Claire Contreras o mas kilala bilang Maharlika ng NBI ng reklamong “inciting to sedition”.
Kaugnay ‘yan ng tinaguriang ‘polvoron video’ na sinabi ng maraming eksperto na minanipula para magmukhang may sinisinghot ang isang tila kamukha ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa isang post sa social media sinabi ni Roque na welcome sa kaniya ang inihaing reklamo ng NBI.
Isa raw itong magandang oportunidad para kay Pangulong Marcos upang patunayan sa Korte na hindi totoo na gumagamit siya ng cocaine.
Giit pa ni Roque fake news ang sinabi ni Vicente Conanan sa pagdinig ng House Tri-Committee na sa kaniya nanggaling ang ‘polvoron’ video. (BG)
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification