March 21, 2025

‘Roque is irrelevant in Duterte’s case before ICC’  – Remulla

Binigyang diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pagsasalaysay kahapon sa Kapihan sa Manila Bay Forum na hindi kailangan si dating Spokesperson Harry Roque sa kasong kinakaharap ni dating Pangulong Duterte  sa ICC.

Aniya, walang maitutulong si Roque sa kasong kinakaharap ngayon ni Duterte kung kaya huwag isiksik ang kanyang mukha o huwag ipagsiksikan ang kanyang sarili para lang makakuha ng assylum sa Netherlands.

“Sinisiksik niya ang mukha niya para maging relevant sya, hindi naman siya kailangan dito,” ayon pa kay Remulla.

Hinamon pa ni Sec. Remulla si Roque na siya ang umuwi ng Pilipinas at harapin niya ang mga kasong ibinabato sa kanya ng QuadCom.

“Harapin niya yung ano, kung man ang sinasakdal sa kanya. Magpaka-Pilipino s’ya nang maayos,” sambit pa ni Remulla.

Idinagdag pa ni Remulla na ang dapat gawin ni Roque ay harapin ang ano mang kasong ibinibintang sa kanya. At huwag pagtaguan ang Kongreso bilang abogado.

“Wala pa ngang nangyayari tumakas na siya eh. Hindi, harapin niya. Abogado pa naman siya, hindi sya sumusunod sa batas.” pagdidiin pa ni Remulla.

Kung matatandaan si Roque ay kasalukuyang nahaharap sa mga alegasyon ng trafficking operations sa Lucky South 99 Pogo firm sa Porac, Pampanga, na kanyang pinabulaanan sa pamamagitan ng isang Counter Affidavit. (M. Paderna)