“Mahirap tumakbo ng hindi mo alam kung sino man lang ang ulo, lalo pa kung ang ulo ay hindi ko pinaniniwalaan,” ito ang sagot ni presidential spokesperson Harry Roque kung bakit siya umatras sa pagtakbo sa pagka-senador.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum noong Miyerkules, sinabi ni Roque na umatras siya sa kanyang plano ng pagtakbo bilang senador para sa 2022 national elections. Ito’y sa kabila ng paghimok sa kanya ni Mayor Sara Duterte-Carpio na humabol sa pagka-senador.
Ayon kay Roque, mahirap niyang tanggapin ang pakiusap ni Mayor Sara na siya’y tumakbo sa senado sa eleksiyon habang hindi naman niya alam kung sino ang kanyang magiging pangulo.
Si Roque ay unang nagplano ng pagtakbo sa pagka-senador sa ilalim ng partidong People’s Reform Party (PRP) , ang partidong itinatag ni dating senador at namayapang Miriam Defensor- Santiago, subalit umatras din matapos na magdesisyon si Mayor Sara na ipagpatuloy ang kanyang magiging mayor ng Davao City.
Kaugnay nito, sinabi na Roque na kanyang pinagkakaabalahan ngayon ang partidong kinauugnayan ni Mayor Sara, sapagkat marami pa din ang umaasa sa pagbabago ng desisyon nito na tumakbong pangulo ng bansa sa darating na eleskyon.
Samantala, idinagdag pa ni Roque na bukas naman ang isang posisyon sa pagka-senador sa ilalim ng PRP para sa kanya, kung siya ay magdesisyon pang tumakbo.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna