Suportado ni ex-UFC and WWE star Ronda Rousey si Cain Velazquez. Ang huli ay kinasuhan ng attempted murder dahil sa shooting incident.
Katunayan, idinaan ni Rousey ang kanyang pagsuporta sa kanyang Twitter account. Aniya, gayun din ang gagawin niya gaya ni Velasquez na dati niyang kasamahan sa UFC.
Kaisa rin siya sa panawagang palayain ang MMA fighter.
“I would have done the same thing if not worse #freeCainVelasquez,” aniya.
Si Velasquez ay former two-time UFC Heavyweight Champion. Lumabas din ito sa WWE sa pagitan ng 2019 at 2020. Nagretired siya sa MMA noong 2019 at sumali sa Mexican Lucha Libre promotion AAA. Pagtapos ay nakipagkaldagan sa lona ng WWE.
Ni-released siya naman siya nito noong April 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.
Samantala si Rousey naman ay nagbalik sa WWE noong Enero 2022 sa Royal Rumble event.Kung saan siya ang nanalo sa women’s rumble. Haharap siya kay Smackdown women’s champion Charlotte Flair sa ‘Wrestlemania 38’ sa Abril.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2