
Para kay dating president Gloria Macapagal Arroyo, ‘very qualified’ si House of Representative’ Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez bilang susunod na vice president ng bansa.
“I am happy for Martin. Indeed he is very qualified,” said Arroyo.
Ginawa ng dating pangulo ang pahayag matapos ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan ang mambabatas kung magpapasiya siyang tumakbong vice president sa 2022.
Kinumpirma ni Romualdez na nagkaroon sila ng pagpupulong kasama si Arroyo, ang kanyang anak na si Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo, Sen. Imee Marcos at kapatid nito na si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos., noong Hunyo 14.
Si Romualdez ay matagal nang kaalyado ni Arroyo, isang kasapi ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) bago siya lumipat sa ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan noong 2017. Si Romualdez ay kasalukuyang presidente ng Lakas-CMD.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)