January 22, 2025

ROMUALDEZ BINANATAN SA ‘EPAL’ NA RELIEF NA BIGAS

Katakut-takot na batikos ang natanggap ni House Speaker Martin Romualdez  mula sa mga netizens makaraang kumalat online ang mga larawan ng pake-paketeng bigas na ipinadala umano para sa mga biktima ng bagyong Kristine kung saan may nakasulat na “Romualdez Rice.”

Isang Facebook account na may username na Porky Porcalla ang nag-share ng larawan na may caption na
“BIG ASS: May bagong variety ng bigas (Mestiso Rice). When someone needs to rice to the occasion. Lumalabas lang po pag may bagyo at kalamidad.”

Ayon sa mga netizens, hindi kailangan lagyan ng pangalan ang mga ayudang bigas dahil parang nangangampanya na si Romualdez.

Isa naman ang nagtanong kung personal na salapi ba ni Romualdez ang ipinambili ng relief na bigas subalit ipinunto ng isa pa na ang mahalaga ay nandoon at tumutulong ang opisyal sa mga biktima.

Hirit naman ng Facebook user na si Jason Bonzon: “Kalamidad na namumulitika pa.”

“Watch out voters…. Politicians will always be politician! Be responsible on voting…. kaya mahirap pa din ang Pinas, pulitiko lang ang yumayaman,” komento naman Anthony Averilla.

Habang ang iba ay sinasabing huwag iboto si Romualdez sa 2016 elections, marami naman ang sumuporta rito dahil sa kanyang pagtulong.