MABILIS ang naging pagsuporta ng mga kapwa mambabatas, matapos ang pagsasalita ni Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero sa Kamara sa pamamagitan ng isang Privilege Speech.
Kinondena ni Romero ang naging marahas na ‘rescue’ na mistulang raid sa Lumad Bakwit School sa University of San Carlos sa Cebu City.
Sinabi ni Romero sa sadyang naging marahas ito kasabay ng pagpapakita ng ilang larawan kung saan ang ilang bata ay pinuwersa at sinuotan ang mga ito ng posas.
“Ito ay mga menor de edad, mga bata na kailangan ng tamang kalinga at aruga. Nais ko po hilingin sa ating mabuting hepe na kapulisan na ito ay agaran mapa-imbestigahan at mapatawan ng kaparusahan ang mga umabusong pulis,” sambit ng mambabatas na kilala sa pagtulong, lalo na sa mga bata.
Matatandaan na tinatayang nasa 21 na bata ang dapat na i-rescue dahil din sa sumbong ng ilang magulang. Makalipas ang privilege speech ni Romero, agad na nagpahayag ng pakikiisa ang mga kasamahang mambabatas at hiling na imbestigahan ang naturang insidente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA