
ASAHAN ang isang bigtime price rollback sa mga produktong petrolyo sa merkado pagsapit ng Martes, Agosto 13, 2024.
Batay sa pagtataya ng mga oil industry players, posibleng pumalo ng higit pa sa P2 kada litro ang ibabawas sa gasolina, diesel, at maging sa kerosene.
Pinakamalaki ang inaasahang tapyas presyo sa gasolina – P2.30 kada litro. Samantala, P1.90 naman ang di umano’y rollback sa kada litro ng krudo habang P2.35 naman sa kerosene.
Gayunpaman, nilinaw ng mga oil industry players na posible pang magbago ang halaga ng rollback – depende sa paglakas o paghina ng piso kontra dolyar.
More Stories
CA JUSTICES NA DUTERTE APPOINTEES, BINAWI ANG ACQUITTAL NI DE LIMA
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Senior Citizens Party List, Nagpasalamat sa Malawak na Suporta ng mga Botante