Pinasabog ng Oklahoma City Thunder ang Houston Rockets, 119-107 (OT) sa Game ng first round NBA playoff series. Kaya, nakaisa na sa serye ang Thunder, 2-1.
Kumamada ng double digits score ang tatlong guards ng Thunder. Nagtala si Dennis Schroder ng 29 points. Samantalang 26 naman ang inambag ni Chris Paul.
Impresibo rin si Shai Gilgeous-Alexander sa pagbuslo ng 23 puntos. Nagtala naman ng 20 puntos si Danilo Gallinari.
“We made quick decisions,” ani Oklahoma City coach Billy Donovan.
‘ Just really trying to play a little bit faster and make quicker decisions. We’ve got to play that way.”
“I think we’re starting to figure out how to play against their defense,” saad naman ni Gilgeous-Alexander.
“They’re the only team in the NBA that really plays like that. It’s something that we have to get used to. But I think we’ve figured it out and we’re excited about going forward.”
Mula umpisa ng laro, lamang ang Rockets. Lumamang ang Thunder sa third quarter, 67-68. Pagsapit ng fourth, lumayo ng kaunti ang Thunder. Pero, nakalapit ang Rockets.
Nagmintis naman ang turn-around lay-up ni Chris Paul, dahilan upang mauwi sa overtime ang laro, 104-104.
Ngunit, nakaalagwa ang Oklahoma sa pagbira ng 11-0 round, 115-104. Mula rito, tuluyan nang nabaon ang Houston.
Narito ang buong stats ng Thunder-Rockets game
HOU:James Harden: 38 Pts. 7 Rebs. 8 Asts. 1 Stls. Jeff Green: 22 Pts. 7 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Eric Gordon: 18 Pts. 3 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. 3 Blks. Danuel House Jr.: 15 Pts. 10 Rebs. 1 Stls.
OKC:Dennis Schroder: 29 Pts. 5 Rebs. 5 Asts. 2 Stls. Chris Paul: 26 Pts. 6 Rebs. 5 Asts. 1 Stls. Shai Gilgeous-Alexander: 23 Pts. 7 Rebs. 6 Asts. 4 Stls. 1 Blks. Danilo Gallinari: 20 Pts. 7 Rebs. 1 Asts. 1 Stls.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2