June 30, 2024

ROCKET DEBRIS NG CHINA INAASAHANG BABAGSAK SA KARAGATAN MALAPIT SA ILOCOS NORTE, CAGAYAN – NDRRMC

INAASAHANG babagsak sa katubigan malapit sa Ilocos Norte at Cagayan ang debris mula sa paliliparing rocket ng China na Long March 7A.

Inalerto ng National Disaster Risk Redruction and Management Council (NDRRMC) ang concerned government agencies kaugnay sa ilulunsad na rocket ng China, na nakatakdang paliparin sa pagitan ng Hunyo 28 hanggang 30.

“Parts of this Long March 7A rocket are expected to drop within the identified drop zone which is approximately 75 NM away from Burgos, Ilocos Norte and 126 NM away from Santa Ana, Cagayan,” ayon sa NDRRMC.

Hiniling ng NDRRMC ang concerned government agencies na maglabas ng temporary restriction, notice to mariners at coastal navigational warnings para sa kaligtasan ng mga tao na malapit sa tinukoy na drop zones,

Hinimok din ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang publiko na iwasan o huwag lumapit sa debris dahil sa panganib na dala ng toxic substances tulad ng rocket fuel.