December 24, 2024

ROBREDO: WALANG DAHILAN PARA IPAGPALIBAN ANG 2020 ELECTION

“Nagsalita na iyong Comelec na hindi ipo-postpone, kasi iyong pinaghahandaan nila ngayon, iyong pinaghahandaan nilang scenario, iyong 2022 may COVID pa din,” ani VP Leni sa kanyang weekly radio program.

Paliwanag ng bise presidente, nagawa naman ng ibang mga bansa na matuloy ang kani-kanilang eleksyon kahit may hinaharap ding COVID-19 crisis.

Banat ng bise presidente, kung nagawang buksan sa publiko ang Manila Bay at ang turismo, bakit naging imposible ang halalan.

“Kung kaya nang buksan iyong Manila Bay, bubuksan na din iyong Boracay, bubuksan iyong ibang tourism sites, walang dahilan, walang dahilan para i-postpone.”

Magugunitang sinabi ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo sa pagdinig ng Kamara sa 2021 budget ng Comelec na baka pwedeng kanselahin ang darating na halalan.

Ayon sa kongresista, takot ang publiko dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng coronavirus pandemic.

“I’ve been doing my share of reading about this pandemic and it seems that, assuming for the sake of argument that nothing goes wrong, the earliest that the vaccine will be available in our country for everybody, maybe September or October next year,” ani Arroyo. “The thought that we will postpone the elections, has that ever triggered in your mind?,” dagdag ng mambabatas.