Nanguna si Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo sa top advertising spender sa Facebook sa lahat ng kandidato.
Gumastos si Robredo, ang opposition bet sa pagkapangulo, ng P14.1 milyon sa platform mula Agosto 4, 2020, nang i-activate ang transparency tool, hanggang Disyembre 31, 2021, lumalabas sa review sa Facebook Ad Library.
Ang halaga ay kumakatawan lamang sa 12 porsyento ng kanyang kabuuang paggastos sa mga ads sa traditional media mula Enero hanggang Setyembre 2021 (P120 milyon), batay sa mga nai-publish na rate card. Lumalabas sa Nielsen data na bumuhos pa rin ang pera ng mga kandidato sa traditional media.
Naging live ang karamihan sa Facebook ads ni Robredo pagkatapos niyang maghain ng kanyang kandidatura noong Oktubre 2021 kasunod ng mga buwan ng espekulasyon kung tatakbo siya para sa nangungunang posisyon.
“We have to maximize our online presence. The fact of the matter is we really have a lot of ground to make up for,” ayon kay kay Vice Presidential Spokesperson Barry Gutierrez.
Saad ni Guttierez, binayaran ang ads ng mga volunteers na nakipag-ugnayan sa campaign team para malapakas ang official posts ng vice president o gumawa ng orihinal na materyales para isulong ang kanyang kandidatura.
Sa kabilang dako, hindi gumastos si Senator Bongbong Marcos para sa anumang advertising sa Facebook.
Ngunit hindi ito nakakagulat dahil mas gusto ni Marcos ang mga meme wars kaysa sa ads, sabi ni Jonathan Ong, isang associate professor sa University of Massachusetts Amherst na nag-aral ng mga disinformation network sa rehiyon.
“Political ads are traditionally effective in conveying candidates’ general proposition and branding – but they can end up sounding generic and inauthentic. BBM is more invested in the ‘meme wars’ and campaigning via political fan groups, community pages, and micro-influencers,” ayon kay Ong.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA