January 13, 2025

ROBREDO SA VOTE BUYING: TANGGAPIN PERA PERO BUMOTO AYON SA KONSENSYA!

Pinayuhan ni Vice President Leni Robredo ang publiko na tanggapin ang pera mula sa unscrupulous politicians, pero bumoto ayon sa konsensiya sa 2022 elections.

Sa palagay ni Robredo, na tatakbong pangulo, na mas madali sa kandidato na bumili ng boto sa susunod na taon gamit ang online platforms.

“Mali iyong pagbili boto, pero iyong sinasabi ko sa tao, tanggapin n’yo. Parati kong sinasabi tanggapin n’yo kasi galing ‘yan sa atin. Iyong pinangbibili ng boto, pera rin ‘yan ng taongbayan,” saad niya sa isang online forum na inorganisa ng Kasambahay For Leni.

Pero tatanggapin mo, pero ang iboboto mo kung sino iyong nasa konsensya mo. Huwag kang boboto dahil pakiramdam mo meron kang utang na loob kasi tinanggap mo,” pagpapatuloy ng Vice President.

Sinabi ni Robredo na walang paraan para malaman ng mga pulitiko kung bumoto sa kanila ang ilang binayaran nila.