PANSAMANTALANG suspendido ang operasyon ng Office of the Vice President (OVP) matapos magpositibo sa coronavirus disease ang apat sa mga staff na kabilang sa COVID-19 response ng tanggapan.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng OVP, isang staff ng tanggapan ang unang nag-positibo noong nakaraang linggo.
Dahil dito, agad isinailalim sa test ang mga concerned personnel ng tanggapan, kasama na si Vice President Leni Robredo. Matapos nito ay natukoy na positibo ang tatlong iba pang staff.
Negatibo naman sa test ang pangalawang pangulo.
“The office has already started contact tracing procedures to identify all those who have interacted with the four staffers that tested positive.”
“But as a consequence of this unfortunate development, office operations at the OVP will temporarily be suspended to make way for a full disinfection procedure.”
Sa kabila nito, nangako si Gutierrez na itutuloy pa rin ng tanggapan ang nasimula nitong pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan ngayong pandemic.
“Now that a handful of staffers have actually tested positive for the virus, and while we will take every precaution to protect the rest of our staff, our commitment to continue our work to support our nation’s Covid-19 response efforts remains firm and undimmed.” “This virus will not slow us down. This virus will not beat us. As ever, we remain grateful for the support and well wishes from our fellow Filipinos. Together, we will prevail over this crisis.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA