Tulad ng kanilang unang inanunsiyo, inilabas ng 1Sambayanan ang listahan ng kanilang mga nominado sa pagka-presidente at bise-presidente sa eleksyon sa susunod na taon.
Kasama sa listahan sina Vice President Leni Robredo, dating Sen. Antonio Trillanes IV, Free Legal Assistance Group chairman Chel Diokno, Sen. Grace Poe, Batangas Rep. Vilma Santos-Recto at CIBAC Partylist Rep. Eddie Villanueva.
Ngunit kasunod nito ay agad nang nagpasabi sina Diokno, Poe at Santos-Recto na hindi sila interesado sa nominasyon at nagpasalamat sa 1Sambayanan.
Samantala, sinabi ni Sen. Joel Villanueva na sa kanyang palagay ay walang interes ang kanyang ama na asamin ang dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na taon dahil sa sila ay nagdadalamhati pa sa pagpanaw ng kanya ama at kapatid noong nakaraang taon.
Wala sa listahan sina Sen. Nancy Binay, Sen. Panfilo Lacson at Manila Mayor Isko Moreno dahil una na silang nagpasabi na ayaw nilang maisama sa listahan.
Ayon naman kay dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, isa sa convenors ng 1Sambaynan, maaring may mga madagdag pa sa listahan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA