PINABULAANAN ng kampo ni Vice President Leno Robredo ang mga ulat na namigay sila ng “caravan kits” sa ginanap na volunteer-driven nationwide motorcade nitong weekend para sa kanya at kay Senator Kiko Pangilinan kaugnay sa 2022 elections.
Ayon VP spokesman Barry Gutierrez, nakatanggap sila ng mga larawan at ulat ng umano’y ipinamigay na “caravan kit” sa motorcade. Naglalaman umano ang nasabing kit ng P100, snack var, campaign stickers, pink na face masks, at isang liham na naghihikayat sa mga nabigyan na iboto si Robredo.
“Happy Sunday! Happy post-Caravan day din. Sa sobrang solid kahapon, umagang-umaga may nakarating sa aming ganitong pics. Fake news na naman. Asahan natin ang ganitong paninira habang lumalakas at dumadami tayo,” saad niya sa isang Twitter post.
“Tuloy lang tayo sa pagmamahal, mga #kakampinks. Love u ol” dagdag ni Gutierrez, kasunmod ng kanyang tweet na may pink na ribbon.
Nanindigan si dating Ifugao Rep. at senatorial aspirant Teddy Baguilat Jr., na hindi magagawa ng Team Robredo-Pangilinan, kilala ngayon bilang Tropa, na mamili ng mga boto.
“Paninira moves. Di nanggaling sa TROPA yan ha. Di mamimili ng boto ang #Kakampinks. Gusto namin palitan ang bulok na sistema ng pamumulitika tulad ng vote buying. Yan ang pangako ni Leni sa taumbayan,” tweet pa niya.
Itinanggi rin ng Dapat Si Leni, isa sa volunteer group ni Robredo, ang akusasyon na namigay sila ng P100 sa naganap na motorcade.
“Hindi po ganyan ang trabaho natin. Hehe. Pangalawa, wala na pong mararating ang 100. Sa taas ng presyo ng gasolina dahil sa administrasyong ito, abunado pa po tayong lahat,” ayon sa Twitter page ng grupo.
Isang Twitter user na may pangalang Manuel Mejorada ang nag-post ng larawan kung saan makikita na nakatanggap siya ng “kit” mula sa kampo ni Robredo na may P100 bill, ilang pagkain at campaign stickers.
Nai-share naman ito ng blogger Wer2GoPH sa Facebook.
Dumagsa naman ang mga supporter ni Robredo sa Twitter at Facebook posts, hinikayat ang iba i-report ang post bilang fake news. Sinabi rin nila hindi nila kailangang bayaran ng P100 para pagkasyahin sa tatlong oras sa kalsada para sa caravan.
Hindi rin aniya kasya ito pang-gasolina sa ilang oras at mahaba-habang motorcade.
Mahigit sa 10,000 sasakyan ang naglibot sa 50 siyudad sa buong bansa para isagawa ang Caravan of Hope for Robredo and Pangilinan. Isinagawa ang motorcade para ipahayag ang kanilang suporta at ikampanya ang tandem ng oposisyon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA