
Matapos mag-viral ang hashtag na #NasaanAngPangulo sa mga nakalipas na bagyo, No. 1 trending naman ngayon ang #NasaanAngBisePresidente matapos makaranas ng pagbaha ang Mindanao bunsod ng Tropical Depression Vicky.
“Andito po ako. Kanina pa kami nagco-coordinate sa areas na apektado,” tugon ni Vice President Leni Robredo sa isang meme mula sa netizen na nagsasabing: “Madam Lenie, where na you?”
“Pagdasal po natin mga kababayan natin sa Agusan del Sur at Surigao del Sur na binabaha ngayon,” dagdag niya.
Ilang oras pa ang lumipas, nagbigay pa ng maraming updates si Robredo sa lawak ng pagbaha, at listahan ngg mga apektadong lugar sa Agusan del Sur, Agusan del Norte at Surigao del Sur.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA