Si Vice President Leni Robredo na ang magiging presidente kung idedeklara at pamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang revolutionary government (RevGov).
Nito nga lang kasi ay ipinagpipilitan ng mga pro-Duterte na likhain ang revolutionary government na pamumunuan mismo ni Duterte.
Pero paliwanag ni veteran election lawyer na si Romulo Macalintal, kapag idineklara ng Pangulo at pamunuan ang RevGov ay ititigil niya rin ang pagiging presidente ng isang demokratikong pamahalaan na kung saan siya ay inihalal at ipinroklama.
Sa ganitong sitwasyon ay mababakante ang posisyon ng pangulo.
Alinsunod sa 1987 Constitution, ang Vice President, na si Vice Presdent Leni Robredo, ay ‘matik’ na maluluklok at gaganap sa tungkulin sa Office of the President.
Dahil magkakaroon tayo ng dalawang gobyerno: ang revolutionary government na pamumuan ni Duterte habang democratic government naman kay Robredo.
Ang problema ay malabo pa itong mangyari dahil mismong sina Defense Secretary Delfin Lorenza at Philippine National Police ay tutol sa revolutionary government na itinutulak ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee, isang organisasyon na nagtulak kay Duterte na tumakbo sa pagka-presidente noong 2016 polls.
Ang revolutionary government na isinusulong ng tagasuporta ni Duterte ay hindi maihahalintulad sa rebolusyonaryong gobyerno na naglagay noon kay President Cory Quino matapos ang EDSA 1 People Power, na nagbunga ng pag-aalsa ng mamamayan laban sa isang mapang-abusong gobyerno.
Sa panahon ngayon, hindi na muna dapat isipin ang usapin sa revolutionary government dahil napakaraming problema ngayon ang kinakaharap ng ating bansa.
Hindi na nga tayo magkandaugaga sa nanagyayaring pandemya sa Pilipinas ipagpipilitan ninyo pa ang RevGov. Hay naku!
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur