December 25, 2024

ROBREDO ITINANGGING BUBUHAYIN DILAWAN ‘PAG NANALONG PANGULO

‘Wag nang asahan na maibabalik pa ang ‘dilawan’ sa ilalim ni Vice President Leni Robredo kapag naging pangulo.

Ito ang tiniyak ni Robredo sa publiko sa presidential interviews sa DZBB ngayong Lunes bilang reaksyon sa pahayag na ang kanyang pagkapangulo ang magbubukas ng pintuan para sa mga dilawan stalwarts.

“Ito nga ang parati kong tanong ‘pag tinatanong sa akin ‘yan: sinong mga dilawan?” tanong ni Robredo. “Dahil alam natin na after 2016, napakaraming mga kasama namin no’ng 2016 ang lumipat ng partido, marami ‘yong mga dating Liberal Party na wala na sa Liberal Party ngayon.”

“In fact kakaunti na lang ‘yong natirang pulitiko sa Liberal Party, such that nagdesisyon nga ‘yong partido na ibukas na sa ordinaryong mamamayan, ibukas sa civil society, advocacy groups, ibukas sa mga interest groups ‘yong membership ng partido,”dagdag niya.