November 24, 2024

ROBREDO, ISKO ISASABONG VS TEAM DUTERTE SA 2022

Nag-uusap na ngayon ang bagong 1Sambayan national coalition na pinamumunuan ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, kung sino ang posibleng magiging panlaban nila sa mga magiging ‘manok’ ng kasalukuyang administrasyon para sa national elections sa susunod na taon.

Ayon kay Carpio, ilang sa may potensiyal na kanilang maging kandidato ay sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe at dating Sen. Antonio Trillanes.

Pero sabi niya daraan pa ito sa proseso at wala pang pinal na listahan.

“We are prepared to accept suggestions from everyone… What is important is we agreed on the process that at the end of the day we will only choose one slate,” ayon sa retiradong mahistrado.

Sasalain ng 1Sambayan ang mga posibleng kandidato base sa kanilang track record, policy platform, competence, at tindig sa mahahalagang paksa.

Kabilang sa iba pang convenors ng 1Sambayan ay sina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating ambassador Albert del Rosario, Bro. Armin Luistro, retired Adm. Rommel Ong, dating COA commissioner Heide Mendoza at iba pa.

“The Filipino people deserve a better government. There are Filipino leaders who can do a much better job in running the government, reviving the economy, creating jobs for our people, and defending our territory and sovereign rights in the West Philippine Sea,” ani Carpio.

“This government is really incompetent. They’ve been tested and everybody is saying kulelat sila. So we have to offer a better alternative to our people because we don’t want the same thing to happen again, to continue in the next six years,” saad pa niya.

Matatandaan na binatikos ni Carpio ang administrasyon sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, kung saan sinabi nito na nag-aksaya ito ng oras at pera para sa charter change, pagpapasara ng mass media, pagbabanta sa mga kompanya sa pamamagitan ng pagkakansela ng prangkisa, pagbabanta sa academic freedom at colleges, at pag-terrorize sa mga lehitimong dissenter sa pamamagitan ng surveillance at pag-aresto.

“We should have the best candidates to institute good governance in the country…Without good governance, we will never progress,” aniya.
“The Filipino people should elect national leaders who truly love our country and who would faithfully serve the Filipino people,” dagdag pa nito.