Nilinaw ng kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos na hindi kasali ang aktor na si Robin Padilla sa kanilang listahan ng senatorial bets.
Kabaliktaran ito ng sinabi kahapon ng ka-tandem ni Marcos na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte na inanunsyo ang pagkakasali ni Padilla sa senatorial slate ng BBM-Sara uniteam.
“He’s not in the 12, but he’s part of the team. Because she comes from a different party, sinama niya si Robin to which I have no objection,” ani Marcos.
Ito rin ang sinabi ni Benhur Abalos na campaign manager ni Marcos at sinabi na hindi pa opisyal na kasali si Padilla sa uniteam.
“We still have to check that. You heard what BBM said. He’s a friend, that’s what he said. So we just take it from his speech from a while ago,” ani Abalos.
Kahit si Padilla ay hindi pa sigurado kung kasali na ba talaga siya sa Uniteam.
Sa ngayon ay tanging sila Rodante Marcoleta, Larry Gadon, Gilbert Teodoro, Mark Villar, Sherwin Gatchalian, Loren Legarda, Migz Zubiri, Harry Roque, Gringo Honasan, Jinggoy Estrada at Herbert Bautista pa lamang ang opisyal na mga kandidato na kasali sa senatorial slate ng uniteam.
Si Padilla ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatandaang tinawag si Marcos na “weak leader” at “spoiled brat”.
Malapit din na kaibigan si Padilla ni Sen. Christopher “Bong” Go na makakalaban sana noon ni Marcos sa pagkapangulo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA