Nangunguna pa rin si Robin Padilla sa senatorial candidates race. Inukopa pa rin ni ‘Binoe ‘ ang Top spot na nasa 25,845,497, na ang boto base sa partial and unofficial elections results
Pangalawa naman si Antique Rep. Loren Legarda na may 23,546, 235 boto at pangatlo ang broadcaster na si Raffy Tulfo na nasa 22,756,366 na boto.
Pasok rin sa `Magic 12’ sina Senador Sherwin Gatchalian, Chiz Escudero, Mark Villar at Allan Peter Cayetano. Gayundin sina Migz Zubiri, Joel Villanueva , JV Ejercito, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.
Marami ang nagulat sa pangunguna ni Padilla sa Top Spot. Gayung pangatlo lang ito sa panghuling survey. Sinasabing malaki ang ambag ng mga kababayan nating Muslim dito. Gayundin ang boto ng mga taga-hanga nito, ng masa at ng pagtulong ng ilang sektor, grupo at ng relihiyon.
Dinala ng ‘Kaisahan’ ng Iglesia Ni Cristo si Robin. Siyempre, nandiyan din ang mga kababayan nating Muslim sa relihiyong Islam.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE